MULING masisilayan sina International Master Emmanuel Senador at Fide Master Nelson Villanueva ng Pilipinas sa pagtulak ng 2nd Kulim Central UniKL Alumni International Chess Championship 2020 (Open Rapid event) sa Abril 4 na gaganapin sa Kulim Central, Kulim Kedah, Malaysia.
Ang Iloilo City native Senador ang nagkampeon sa Asean Chess Academy Christmas Rapid Chess Championships na ginanap sa Upper Bukit Timah, Singapore nitong Disyembre 23, 2019.
Habang ang La Carlota City, Negros Occidental bet Villanueva ay tumapos sa over-all 4th place sa leong @64 Rapid Chess Challenge 2020 na ginanap sa Ang Mo Kio Community Club, Singapore nitong Enero 19, 2020.
Samantala ay naghari si Christian Paulite ng Santa Maria, Bulacan sa katatapos na PubXChess blitz event na tinampukang King of the Hill @ Thunderbird Week 8 nitong Pebrero 23, 2020 sa Singapore.
Nakakolekta si Paulite ng eight points mula eight wins at one loss para magkampeon sa nine-round tournament na inorganisa ni Mr.Carleton Lim ng PubXChess.
Nakamit ni Ashton Chia ng Singapore ang second na may 6.0 points kasunod ang 3rd placer na si Candidate Master Tan Jun Hao ng Singapore na may 5.5 points. Bida din ang isa pang Filipino entry na si Arnold Paulite na nag fourth place na may 5.0 points.