Laro Ngayon

(San Juan gym)

6 p.m. — San Juan vs. Palayan City

GINAPI ng defending champion San Juan ang Binangonan, 86-74, habang naungusan ng Palayan City ang Parañaque, 74-72, sa magkahiwalay na sudden death matche at maisaayos ang titular showdown sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup kamakailan sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangunahan nina Arvin Gamboa at Justine Serrano ang San Juan upang maungusan ang Binangonan at makausad sa finals sa ikalawang sunod na season sa community-based league na inorganisa ni CBA president Carlo Maceda.

Tumapos si Gamboa na may 18 puntos mula sa 9-of-12 shooting, habang kumana si Serrano ng 15 puntos, walong rebounds at tatlong assists para sa Go for Gold-supported Knights.

Bumalikwas naman ang Palayan mula sa 18 puntos na pagkakadapa para maungusan ang Parañaque at makatungtong sa championship sa unang pagkakataon.

Tumapos naman si Alcoriza na may 14 puntos sa Palayan.