MUKHANG ang taong 2020 ay taon ni Madam Glenda of Brillian Skin Essentials, ha!
Sa panimula pa lang ng taong 2020 ay isang malaking Brilliant Ball ang naganap sa SMX MOA.
Sa nasabing Brilliant Ball 2020 ay nagkaroon ng importanteng announcement tungkol sa magiging bagong mukha ng Brilliant Skin Essentials, bukod sa Kapamilya Star na si Andrea Brillantes, at ito ay walang iba kundi si Madam Glenda.
As of press time ay ilang billboards na ang nakakabit sa kahabaan ng EDSA at sa Morong, Rizal, kung saan nakakabit ang new face of Brilliant Skin, si Madam Glenda.
Naging masaya ang strictly formal na Brilliant Ball 2020 kung saan ay nakalatag ang mahabang pink carpet para sa mga franchisees, distributors, and friends from Luzon, Visayas and Mindanao, pati na rin ng mga business partners galing sa ibang bansa. Pinuno ng kulang-kulang na 800 people ang napaka-sosyal na event.
Sa totoo lang ay nag-transform ang SMX Convention Center function rooms sa isang nangingintab na ballroom na puno ng crystals and flowers na sakto para sa mga Brilliant Royalties.
O, siya, welcome din sa showbiz world na patalbugan ng skin flawless, Madam Glenda!
-Mercy Lejarde