“BURN” ang kantiyaw ng followers ni Kris Aquino sa isang basher na sinagot ni Kris. Nag-comment kasi ang basher sa video ni Kris na nagsu-swimming na part ng kanyang water therapy ng, “TALAGA NAMAN GINAMIT ANG PERA NG PILIPINAS PARA LANG MAS MAUNLAD ANG BUHAY. FAMILY OF THIEVES.”
Sinagot ni Kris ang basher: “@ sickie9 i cannot argue with your logic- pera ng PINOY na bumili ng mga inendorse ko at nanuod ng mga pelikulang na produce at pinagbidahan ko ang nagpaunlad sa buhay namin... see hard work
pays off & God rewards those in His flock who are 1. CHEERFUL GIVERS and 2. KNOW HOW TO SAY THANK YOU... (wag mo burahin ang pang Miss Universe na sagot ko, okay?”
Sinegundahan pa ni Kris ang unang sagot at post nito: “ Obvious naman na hindi kami pamilya ng magnanakaw (generally pag galing sa nakaw, hindi pino-post on IG, especially an account w/more than 4.6 million followers, but do take note i wrote, GENERALLY-plus i do have years & years of BIR receipts to back me up #facts) BUT i decided to give this #anonymous accounts some attention because-gusto ko...
And aminin, WINNER ang sagot. So yes- ginamit ko naman talaga ang pera ng mga PILIPINO-mga Pinoy who helped make my childhood dreams come true... kung mag enumerate naman ako ng lahat ng natulungan ko through the years, EPAL naman ako ang next na paratang- so it is more than enough the beneficiaries know and my Creator knows that i shared the blessings i received to help better the lives of others.”
Aliw din ang sagot ni Kris sa mga nagsabing na ‘wag nang pansinin ang basher. “You have to give me the f reedom t o put liars in their place” at “sometimes ignoring means you are complicit...#neveragain” at isa pang sagot na “namimihasa kas i , bas tus in ako ng mga kasinungalingan nila sa mga feed nila but not in my own #fair.”
Kaya ayun, si ate ghorl na basher, na-burn sa mga sagot ni Kris. Kasi naman, hindi piliin ang iba-bash.
-NITZ MIRALLES