ILAN sa top chess players mula sa Sampaloc, Manila ang kakatawan sa pamosong España Chess Club sa isang ‘goodwill game’ sa Marso 21.

Ang nasabing goodwill chess match ay inorganisa ni España Chess Club-Manila top honcho engineer Ernie Fetisan Faeldonia sa pakikipagtulungan ng Barangay 456 Zone 45 na layuning mapalakas ang pagkakaibigan at pagkakabuklod ng España Chess Club at ng Philippines Team.

Bagama’t underdog sa laban ang host España Chess Club-Manila, sasandal sila kay 2018 Singapore Boys 14 and under co-champion Jasper Concepcion Faeldonia ng Arellano University at engineer Ernie Fetisan Faeldonia sa 25 minutes na may 3 seconds increment time control format.

Bukod sa tandem ng mag-amang Ernie at Jasper, tampok din sa España Chess Club-Manila sina Princess Nicole Ballete, Darwene Salangsang at Joseph Ballete.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Habang sa panig naman ng Philippines chess Para athletes sina ASEAN para games medallist Arman Subaste, Menandro Redor, Felix Aguilera, Francis Ching, Israel Peligro,Cecilio Bilog at Rodolfo Sarmiento kasama din sina Cheyzer Mendoza, Cheryl Angot at Anthony Abogado.