ANTIPOLO CITY— Muling humirit ang Standard Insurance-Navy, sa pangunguna ng beteranong si George Oconer, sa maigsing 122.6km Stage 5 upang madomina ang lahat ng kategorya sa LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race nitong Huwebes.

SINALUBONG ng mga tagasuporta sa finish line sina Stage 5 winner John Mark Camingao (gitna), Ronald Oranza at Junrey Navarra. Kabilang sa six-man finish sina El Joshua Carino, Ronald Lomotos at George Oconer na pawang miyembro ng Standard Insurance-Navy.

SINALUBONG ng mga tagasuporta sa finish line sina Stage 5 winner John Mark Camingao (gitna), Ronald Oranza at Junrey Navarra. Kabilang sa six-man finish sina El Joshua Carino, Ronald Lomotos at George Oconer na pawang miyembro
ng Standard Insurance-Navy.

Lima sa anim na riders na magkakasabay na tumawid sa finish line ay Navymen, tampoks si John Mark Camingao na kumuha ng stage victory sa karera na nagsimula saLucena City at natapos sa Kapitolyo ng lungsod.

Bumuntot sa kanya sina 2018 Ronda king Ronald Oranza at many-time King of the Mountain Junrey Navarra. Kasama rin sina El Joshua Carino, Ronald Lomotos at Oconer sa grupo na pawang nagtala ng tyempong tatlong oras, 12 minuto at 50 segundo sa 10-stage race na inorganisa ng LBC at itinataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nakontrol ng Navymen ang karera sa unang walong kilometro sa Lucban, Quezon at napanatili ang liderato hanggang sa huling sikad ng bisikleta.

Kabilang si Jan Paul Morales, back-to-back champion (2016 at 2017), sa nangunang grupo, ngunit hindi na niya kinaya na makipagsiksikan sa grupo ng Navy at napasama na lang sa peloton sa karera na itinataguyod ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling

Bunsod nito, sumirit si Oconer sa liderato mula sa No.2 sa general individual classification tangan ang kabuuang oras na 17:54:13.

Inaasahang, mas magpupursige ang grupo ni Oconer sa pagratsada ng 111.9Km Stage 6 bukas dito at magtatapos sa Tarlac Recreational Park sa San Jose.

“It’s still too early to tell but we will do our best to protect the lead,” pahayag ng 28-anyos na si Oconer, target ang unang titulo sa makasaysayang cycling marathon.

Umusad din sina Oranza, Lomotos, Camingao, Navarra at Carino para sa No.2 hanggang No.6 spot sa oras na 17:55:28, 17:55:31, 17:56:06, 17:56:30 at 17:58:04, ayon sa pagkakasunod.

Nabitiwan ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang tangan sa ‘red jersey’, ngunit nanatili siya sa top 10 kapit sa No.7 (17:59:27) kasunod sina 7Eleven Cliqq-Ari21 by Roadbike Philippines Rustom Lim (No. 8, 17:59:33), Go for Gold’s Jonel Carcueva at Ismael Grospe, Jr., 17:59:41 at 18:00:01, ayon sa pagkakasunod.

Napalawig din ng Standard ang bentahe sa team event sa kabuuang oras na 71:36:57 (may 23.40 minuto ang bentahe) sa Go for Gold, bumaba sa No.2 mula sa No.4 (72:00:37). Nanatili ang Bicycology Shop- Army sa No.3 (72:02:16) kasunod ang 7Eleven (71:05:52).

Nakamit naman ni Morales ang CCN sprint race, habang si Carino ang Versa KOM. Tanging ang MVPSF Best Under-23 class ang hindi nasungkit ng Standard mula kay Grospe.