Kung papalaring mapili sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Abril 11-21 ay muling mapapanood ang pelikulang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandang Itim at siguradong maraming bata ang mapapasaya nito lalo’t si Vhong Navarro ulit ang bida.

May bagong journey si Mang Kepweng na lalong pinaganda ang special effects ng pelikula na ginastusan ng milyong piso ng Cineko Productions mula sa direksyon ni Topel Lee.
Ang Mang Kepweng Returns ay ipinalabas noong 2017 ng ibalik ng Cineko productions ang pelikulang pinasikat ni Papang Chiquito 30 years ago at ito ay muling binigyang buhay ni Vhong at gaya ng inaasahan maraming nanood dahil na-miss nila si Mang Kepweng.
Sa Marso 2 pa ang announcement ng MMDA para sa Magic 8 ng 2020 SMMFF at ngayong araw naman ito nakatakdang panoorin ng jurors.
-REGGEE BONOAN