Isa sa mga pelikulang dinirek ni Elwood Perez na mahirap kalimutan ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit. Isa rin ito sa best films nina Nora Aunor at Tirso Cruz lll na sikat noon bilang loveteam.
Ginawa itong teleserye ng GMA-7. Tiyak na tatakbo ito ng matagal sa ere dahil sa film version ay tumakbo ang istorya hanggang sa tumanda ang mga bidang karakter nina Guy at Pip.
Isa sa lubos na natutuwa na mapasama sa telererye ay si Gabby Eigenmann dahil makakatrabaho niya si Nora Aunor. Bubuhayin ni Gabby ang papel ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez. Idagdag din na ang magaling na si Laurice Guillen ang direktor ng primetime teleserye.
Tiyak na maninibago ang televiewers dahil for a change ay hindi contrabida ang papel ni Gabby. Kung noon ay madalas s i y a n g k amu h i a n . Di t o a y tutulungan niya ang inaaping si Magnolia at mapapamahal sa mga tagasubaybay ng teleserye.
Isa pang malaking hamon para kay Gabby ay ang naiibang role niya as a transwoman sa pelikulang VERSUS. Kasama si Sunshine Dizon na sinulat at dinirek ni Ralston Jover and partly shot sa Brisbane, Australia.