MATITIGIL na siguro ang isyu na hindi friends sina Biana Umali at Kyline Alcantara sa post ni Barbie Forteza na sama-sama silang kumakain sa restaurant ni Gladys Guevarra.

IMG_2744

Kasama ni Barbie sina Bianca at Kyline at pareho namang nakangiti ang dalawa, ibig sabihin, masaya sila na nagkasamang kumain.

Post ni Barbie: “Spent the whole day pigging out and having the best time with this bunch. I really needed this.”

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'

Hindi nakasamang kumain sina Julie Anne San Jose, Ryzza Mae Dizon at Jak Roberto, kaya sabi ni Barbie, dapat next time kumpleto na sila.

Nagkakasama kasi sina Barbie sa Sunday Pinasaya at naging magkakaibigan sila, pero nagkaroon ng isyu sina Bianca at Kyline dahil kay Miguel Tanfelix. Pero naayos na raw ng dalawa ang isyu nila at ito na nga ang patunay, pwede silang magsama sa hang out nang magkakaibigan.

Kasama rin sa grupo si Ruru Madrid na boyfriend ni Bianca, kaya tama lang siguro na hindi inimbitahan si Miguel dahil magiging awakward kung magkakasama sina Ruru at Miguel. Inamin kasi ni Miguel na may ilangan sa kanila ni Ruru dahil kay Bianca.

-NITZ MIRALLES