APEKTADO rin ang ilang international at local professional sports event bunsod nang lumalaganap na Covid-19 sa buong mundo.

BINIGYAN ng sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB),sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ikalawa mula sa kaliwa ang Naked Heel Cock Fighting-Torneo 9 International Derby sa Iloilo City.

BINIGYAN ng sanctioned ng Games and Amusement Board (GAB),sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ikalawa mula sa kaliwa ang Naked Heel Cock Fighting-Torneo 9 International Derby sa Iloilo City.

Iginiit naman ng Games and Amusement Board (GAB) na handa ang ahensiya na tumalima sa kautusan ng Department of Health (DOH) at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga ‘counterpart’ sa abroad upang masiguro ang seguridad ng kalusugan ng mga atletang Pinoy.

“We are bound to follow the directives of the Department of Health (DOH) higit at nakataya rito ang kalusugan ng ating mga atleta at ng sambayanan sa kabuuan. Ipinaalam na rin namin ito sa lahat ng mga organizers, promoters, match makers, officials at mga atleta at sa aming paliwanag, sila na mismo ang umaaksiyon,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Kabilang sa mga boxing promotions na natigil pansamanatala ang nakatakda sanang laban ni boxing sensation Carl James Martin nitong Pebrero 22, gayundin ang boxing promotions sa Mandaluyong City sa susunod na buwan.

Sa international scene, ipinaalam ng World Boxing Council (WBC) Muay Thai sa GAB ang postponement ng Muay Thai Convention sa susunod na buwan. Inilipat na ito sa susunod na taon, ngunit wala pang petsa, ayon sa sulat ni WBC Muay Thai president Kovid Bhakdibhumi.

Hindi na rin matutuloy ang 5th Martial Arts Games and Festival sa Thailand.

“Malaking isyu talaga itong Covid-19. But the international sports community is taking all precautionary measures para makatulong sa pagpigil sa patuloy na paglaganap nito,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.

“Kami ay kaisa ng DOH sa laban na ito at tumutulong para maipaabot sa ating mga kababayan ang mga tamang gawain para mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa anumang uri ng sakit,” pahayag ni Mitra.

Inamin ni Mitra na malaking kawalan sa aspeto ng turismo at negosyo ang pagpapa igil ng mga sports events sa bansa, ngunit kailangan ang agarang pagtugon sa isyu para sa kapakanan ng sambayanan.

-Edwin Rollon