Nadale ng trangkaso si Sylvia Sanchez dahil halos isang buong buwan siyang kulang sa tulog dahil lagare siya sa taping ng Pamilya Ko at shooting ng pelikulang Coming Home na entry ni ex-senator Jinggoy Estrada sa 2020 Metro Manila Summer Film Festival.

joey-sylvia-jm

Si Sylvia ang gaganap na asawa ni Jinggoy sa Coming Home at inamin niyang sa nagbabalik na aktor nakas-focus ang kuwento kaya hindi niya mako-consider na makakakuha siya ng acting award.

Ang ikinahihinayangan ng aktres ay ang hindi niya pagpunta sa katatapos na 2020 North Europe International Film Festival (IFF) na ginanap sa London kamakailan dahil kaliwa’t kanan ang trabaho niya.

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Nominado kasi si Ibyang bilang Best Actress sa pelikulang Jesusa at bukod tanging si Mara Lopez lang ang dumalo at nasungkit nito ang Best Supporting Actress award na ayon sa dalaga ay first international award niya ito.

“Nakakahinayang nga, gusto ko rin namang pumunta kaso anong gagawin ko, hand to mouth kami ng taping sa Pamilya Ko, walang eere. Kung ipinilit ko na pupunta ako baka pagbalik ko wala na akong trabaho,” pahayag ng aktres.

Nabanggit kasi namin na malaking bearing din na dumalo siya at posibleng nanalo sya kasi nga binibigyan ito ng halaga ng mga organizer na dumalo ang mga nominado na ibig sabihin ay nag-effort na puntahan sila.

“Heto nga nominated din ako same movie sa Rome (15th Rome Film Festival) hindi ko alam kung makakaalis ako,” sambit ni Ibyang.

Ang alam namin ay sa Oktubre 17-27 gaganapin ang Rome Film Festival kaya malamang na makakadalo na si Sylvia dahil tapos na ang Pamilya Ko nitong Abril 2020.

“Tapos may banta pa ng coronavirus ‘di ba? Napasok na, paano ‘yun?” balik-tanong ni Ibyang.

Bale ba lockdown ngayon ang Italy dahil sa coronavirus na kalat na sa Milan at hindi naman kalayuan ang Roma dito.

Anyway, tawang-tawang ikinuwento ng aktres na nagbiro raw si Joey Marquez bilang si Fernan na asawa niya sa Pamilya Ko na makikiusap na raw kay Ms Cory Vidanes, Chief Operating Officer ng ABS-CBN na sa susunod na kuwento ng serye ay siya naman ang sasampal kay Luz (Sylvia).

“E, kasi gusto niyang gumanti na, ha, ha, ha kasi ilang beses ko na siyang sinampal at kahit nasasaktan na hindi niya inaamin.

“Paano ko nalaman na nasasaktan siya sa sampal inamin niya kay JM de Guzman (Chico) na nu’ng nasa tent na raw silang dalawa, sabi niya, ‘ang sakit ng sampal na nanay mo (Luz)’ habang hawak-hawak ang dalawang pisngi.

“Bale ba panay naman ang hingi ko ng sorry sa kanya pagkatapos at saka pinag-uusapan namin kung paano ko siya sasampalin. Tapos nagso-sorry na ako, sabi niya, “okay lang, sanay na akong masampal” kaya binibiro ko si Joey na, ‘lagi ka kasing nahuhuling may babae kaya ka nasasampal.’

“Ang gustong mangyari ni Joey, ako raw may lalaki para siya naman ang sasampal sa akin,” tumatawang kuwento ni nanay Luz ng Pamilya Ko.

Nabanggit din na inaabot sila ng take 6 ni Joey kapag seryosong eksena kasi natatawa sila pareho, wala silang ginawa kundi magtawanan at buong staff at direktor ay tawa rin ng tawa.

“Ito kasing si Joey, seryoso na, tapos makikita ko ‘yung mata niya parang sa Palibhasa Lalaki lang kaya natatawa ako, hayun lahat kami ganu’n na,” masayang sabi ng aktres.

Anyway, kahit may sakit si Ibyang ay hindi niya napigilang hindi magluto ng kare-kare para sa asawang si Art Atayde bago dumalo sa meeting.

“Gustung-gusto kasi niya (Papa Art) ang kare-kare kaya hayan, tikman ninyo,”sambit ni Ibyang.

Ang sarap nga as in to the max kaya naman umalis kami ng bahay ng mga Atayde na hindi na makahinga at hindi na rin natunawan.

-REGGEE BONOAN