DAHIL sa lumalaganap na Coronavirus, nagpasya ang pamunuan ng International Table Tennis Federation (ITTF) na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng team world championships sa table tennis na nakatakda sana sa South Korea.

Ayon sa report, nagpahayag na umano ang ITTF na iurong buhat sa orihinal na petsa nitong Marso 22 hanggang 29 ang nasabing championship sa Busan sa Hunyo 21 hanggang 28.

Ito ay matapos na lumabas ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong isang linggo kung saan nagsagawa agad ng emergency contency meeting ang mga pamunuan ng Busan at mga mismong organizers nito.

Ayon sa report, sinabi ng pamunuan ng ITTF na isinasaalang-alaa lamang nila ang kaligtasan ng mga manlalaro, mga opisyales at mga manonood.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Dahil umano sa nasabing bagong iskedyul, maaring maapektuhan ang kompetisyon o World Tour na gaganapin sa Australia at South Korea na Kasalukuyang may kabuuang 893 kaso ng COVID-19 sa bansa ng South Korea kung saan may sampung katao na ang namatay.

-Annie Abad