TAMPOK ang mga batikang woodpushers sa pagsulong ng pinakahihintay na Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament 2200 and below rapid chess championship sa Sabado, (Pebrero 29) sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.

Bukas ang torneo sa lahat ng manlalaro, master man o non master, anuman ang kasarian at edad na hindi lalagpas sa 2200 ang rating. Itinataguyod ang torneo ni Tarlac City Chess Club Inc. president Arnold Soliman.

Nakalaan sa magkakampeon ang ¬ P7,000 habang ang second placer P5,000, third P3,000, fourth P1,000,at fifth hanggang tenth placers ay tig P500.

Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa mobile number: 0939-442-0654.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb