SASARGO ang Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament sa Pebrero 29 sa AMF-Puyat Makati Cinema Square sa Makati City.
Inorganisa ng Makati Pool Players Association (MAPPA) sa gabay ng presidente na si Arvin John “Bambino” T. Arceo, ang 9-ball tournament (ay itinataguyod ng Predator at Volturi na suportado ng World-renowned blogger The AnitoKid, Puyat Sports, Wilde Blu, Dubshop, Sunville Trading,Peri, Stanson, MLA Trading, Fury at ng bilyarista.com.
Nakataya ang kabuuang P250,000 cash prizes.
Tatangap ang magkakampeon ng P40,000 plus Predator Roadline pool cue with 314-3 shaft plus Volturi Classic Brogue Cue Case plus Championship trophy habang magsusubi naman ang runner-up ng P20,000 at makakapag-uwi ang third at fourth placers na tig P15,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.May nakalaan sa fifth hanggang eight placers na tig P6,000 habang magbubulsa naman ang ninth hanggang 16th placers na tig P3,000.
Sa mga interesadong makilahok, makipag-ugnayan kina Mr. Allan Soliman (0919-260-3518), Mr.Mario Aquino (0995-854-0099) at Mr. Boyong Jorge (0921-968-8557).