HINDI kailangang maging matalino upang mabatid ang mabilis na pagbabago ng mundo. Saksi ako sa malalaking pagbabago na nangyari noong 60s at 70s ngunit hindi ito maikukumpara sa bilis kung paano tayo nabago ng kasalukuyan.
Naisip ko ito dahil nitong nakaraang linggo ipinakita sa akin ang isang app-controlled mug na makapagbibigay sa akin ng pagkakataon na makapili ng nais kong temperatura ng aking kape. Hindi man ito sakto sa ngayon ngunit inilalarawan nito ang punto—nakamamangha ang mga pagbabagong nakikita natin.
Ang teknolohiya—partikular ang communications technology—ay nagbigay sa atin ng pagkakataon na maging mas interconnected kumpara noon. Nagpahintulot ito sa atin na lumikha ng mga mas magandang paraan sa paggawa ng isang bagay. Malaki rin ang epekto ng mga pagbabagong ito sa ating workplace. Ngayon, pinag-uusapan ng mga eksperto ang tungkol sa automation o maging artificial intelligence na maaaring pumalit sa trabaho ng mga tao.
Sa punton ito, may isang aral akong natutunan sa aking mahabang karanasan bilang isang negosyante: kailangang mong malaman ang magiging epekto ng hinaharap sa iyong buhay at mag-adjust nang maaga. Hindi ka puwedeng matulog sa pancitan, tulad nga ng kasabihan. Mahalagang mabatid at maunawaan ang mga pagbabagong nangyayari sa mundo at sumabay sa alon nito. Totoo ito maliit ka man o malaking negosyo. Kailangang mong sumabay o maglalaho ka. Kaya naman sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya at ang panganib ng pagkawala ng tradisyunal na trabaho ng mga tao, paano makapaghahanda ang ating mga kabataang estudyante? Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan at abilidad na magiging kapaki-pakinabang sa hinaharap. Ngunit anong mga kasanayan ba ang dapat na paunlarin kung wala pa ang hinaharap? Kailangan mong paunlarin ang mga kaalaman na universally applicable. Mga bagay na subok na ng panahon.
Isang pag-aaral ng Society of Human Resource Management noong 2019 ang nagsabi na kailangan ng mga kompanya ang anim na kasanayang ito na napapansin nilang wala sa mga potensyal na empleyado:
- Problem-solving, critical thinking, innovation, and creativity.
- Ability to deal with complexity and ambiguity.
- Communication.
- Trade skills (carpentry, plumbing, welding, machining, etc.)
- Data analysis / data science
- Science / engineering / medical
Mabilis mong mapapansin ang trend sa kanilang sagot. Ang tatlong unang bagay ay hindi teknikal. Mas pabor sila sa karakter, social skills at emotional intelligence ng tao kumpara sa kaalaman nito sa teknolohiya.
Ang kadalubhasaan ay maaaring mapaunlad sa pamamagitan ng pagsasanay ngunit ang personalidad, abilidad sa problem-solving, people skills ay mas mahirap maging dalubhasa. Sa aking kaso, bagamat tumitingin ako sa educational background at training ng mga aplikante, naniniwala ako na mas mahalagang tingnan ang soft skills. At sa hinaharap na pinakakahulugan ng automation, ang ating abilidad na maging tao ay higit na mahalaga. Walang dudang kayang kontrolin ng isang app ang temperatura ng aking coffee mug o isang robot ang magtimpla ng aking kape sa hinaharap ngunit walang makapapalit sa abilidad ng isang master coffee roaster na kayang mag-eksperimento at lumikha ng sining mula sa butil ng kape. O isang wine sommelier na kayang alamin ang kompleksidad ng maraming uri ng wine.
Ang ating pagkatao ang magsisiguro sa ating kahalagahan sa panahon ng teknolohiya. Ang ating abilidad na kumonekta sa tao, umunawa ng kanilang mga pangangailangan at kagustuhan, at tugunan ito ng pagdamay, ay hindi mawawala sa hinaharap na ating nililikha. Ilang artikulo na ang nabasa ko na tumatalakay sa smart home. Teknolohiya na magbibigay sayo ng pagkakataon na makontrol ang iyong TV, ilaw, alarms, pinto gamit lamang ang iyong smartphones. Sa ngayon lahat ng mga produktong pambahay mula refrigerator, washing machine, cooking devices ay may WiFi modules na nagbibigay ng paraan upang mag-interconnect sa isa’t isa. Maganda at nakamamangha ang lahat ng ito. Ngunit ang isang tahanan ay ngangahulugan ng mga tao na namumuhay ng magkakasama, kumokonekta sa isa’t isa. Itinayo ko ang aking unang bahay dahil nais kong magkaroon ang bawat pamilya, ano man ang kita, ng isang lugar kung saan sila bubuo ng sariling kinabukasan. Maaaring smart homes nga ang hinaharap natin. Ngunit ang tahanan ay para sa mga tao, at hindi para sa mga appliances
-Manny Villar