IPIL, Zamboanga Sibugay – Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez na may kakayahan ang Pinoy sa international competition ng ‘open swimming’.

“Malaki ang potensyal natin sa open swimming considering na napakayaman natin sa karagatan. Kailangan lang natin mabigyan ito ng tamang exposure, proper training, eh! yung venue naman hindi natin problema,” pahayag ni Fernandez.
Ikinalugod ni Fernandez na bahagi ang ‘open swimming’ sa programa na isinagawa sa pagdiriwang ng ika-19 na anibersaryo ng Buluan Island sa Zamboanga Sibugay Province.
Sa pangunguna ni Environmental lawyer and long-distance swimmer Ingemar “Pinoy Aquaman” Macarine, kabuuang 15 local swimmers ang nakiisa at sumagupa sa malamig na karagatan para tawirin ang Sibugay Bay – 2.7 km mula sa Buluan Island hanggang Buluan Port, sa Ipil, Zamboanga Sibugay Province.
Inorganisa ang programa ni Congresswoman Ann Hofer, sa pakikipagtulungan ng PSC bilang pagbibigay kahalagahan sa ‘marine conservation and sustainable tourism’ at palakasin ang ‘open swimming’ bilang sports ng Pinoy.
Sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games sa Manila, kabilang ang open swimming sa pinaglabanang sports event, ngunit hindi nakapanalo ng medalya ang Pinoy.
“Right now, sinisimulan na naming yung grassroots sports development program ng open swimming simply because I believe, malaki ang tsansa natin dito. Open swimming is also an Olympic sports,” sambit ni Fernandez.
Kabilang si Macarine sa beteranbong swimmer na nagsasagawa ng open swimming program.
“My comeback swim was easy but fun. It’s my first time to swim with 12 others who are mostly into triathlon sports,” aniya.
Iginiit niyang napapanahon na para pagtuunan ngpansin ang open swimming bilang sports na malaki ang tsansa ng Pinoy sa international scene.
“We are promoting open water swimming in the country because we are endowed with thousands of islands across the country with a good climate,” aniya