SUMANDIG ang Basilan-Jumbo Plastic kay Allyn Bulanadi sa final stretch upang magapi ang Iloilo-United, 70-63,upang umusad sa 2020 Chooks-to-Go/MPBL Lakan South semifinals noong Lunes ng gabi sa Lamitan Gymnasium.

NAGDIWANG ang Basilan sa panibagong tagumpay sa MPBL.

NAGDIWANG ang Basilan sa panibagong tagumpay sa MPBL.

Naiiwan ng tatlong puntos, wala ng dalawang minuto ang nalalabing oras sa laro, naitabla ng Iloilo ang laro sa 63-all matapos pumukol si Al Tamsi ng isang 3-pointer.

Binasag ni Bulanadi ang nasabing deadlock at binigyan ang Basilan ng bentaheng dalawang puntos, 65-63, may 1:27 pang natitira sa oras.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Kasunod nito, bumato ang 22-anyos na Gilas cadet ng isang tres upang itaas sa lima ang kalamangan ng Steels, 68-63, may nalalabi pang 48.9 segundo sa laro bago sinelyuhan ni Jay Collado ang kanilang panalo sa pamamagitan ng dalawang freethrows, 21.2 segundo pa ang natitirang oras.

“Nag-double effort sila sa ensayo nila e kasi tinalo namin sila nung Game One so nakapag-adjust talaga sila. Nahirapan kami pero buti na lang nanalo,” ani Collado.

Nagtapos na topscorer si Collado na may double-double 18 puntos at 10 rebounds bukod pa sa 3 assists at 2 blocks kasunod si Jhaps Bautista na may 12 puntos at 3 assists at si Bulanadi na may 11 puntos at 5 rebounds.

Nanguna naman si Tamsi para sa Royals na may 16 puntos.

Hindi nakatapos para sa Iloilo kanilanh lead gunner na si Richard Escoto na nagtamo ng right ankle sprain may 32.9 pang natitirang oras sa third canto.

Nakapag-ambag si Escoto ng 13 puntos, 8 rebounds at 2 assists.

Makakasagupa ng Basilan ang Bacoor City sa semifinals ng South Division.

Nagwagi ang No.2 seed Bacoor City laban sa No.7 General Santos City, 69-60.

“Yung start namin offensively medyo hindi namin nagustuhan yung nangyayari e, so we have to pick it up. Tapos nung second half, tinaasan lang namin yung energy, we’re not the most talented team in the league pero yung effort namin that counts twice e,” pahayag ni Oping Sumalinog.

Nanguna si Sumalinog sa atake ng Bacoor sa naiskor na 16 puntos.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

Basilan-Jumbo Plastic (70) -- Collado 18, Bautista 12, Bulanadi 11, Balucanag 7, Daa 5, Dagangon 4, Dumapig 3, Uyloan 3, Lunor 2, Manalang 2, Palencia 0

Iloilo-United (63) -- Tamsi 16, Escoto 13, Publico 7, Jeruta 7, Parker 6, Prado 6, Golla 2, Javelosa 2, Arambulo 2, Gumaru 1, Sierra 0

Quarterscores: 24-18, 36-35, 54-50, 70-63

(Ikalawang Laro)

Bacoor City (69) -- Sumalinog 16, Demusis 11, Banal 9, Mabilac 8, Canete 7, Melencio 7, Montuano 6, Pangilinan 5, Ramirez 0, Acuna 0, Aquino 0, Ochea 0, Destacamento 0.

General Santos-Burlington (60) -- Celiz 22, Goloran 10, Raymundo 9, Williams 8, Cabanag 4, Orbeta 2, Grospe 2, Mahaling 2, Masaglang 1, Basco 0, Bautista 0, Baltazar 0.

Quarterscores: 17-16, 33-33, 57-52, 69-60