BUMIDA si dating Ateneo standout Thirdy Ravena nang pangunahan ang Gilas Pilipinas kontra Indonesia sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers nitong Linggo sa Jakarta.

Nagposte ang 23-anyos Ateneo star sa naiskor na 23 puntos at walong rebounds para sandigan ang Gilas sa dominanteng 100-70 panalo.

Sa kabila ng impresibong opensa, ibinigay nya ang kredito sa nakatatandang kapatid at team captain ng Gilas na si Kiefer.

“It feels good, definitely. It made me feel more comfortable being in the team, especially with my brother as the captain,” sambit ni Thirdy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He prepped me pretty good. He was basically doing his part as a captain and making everyone else, not just me, feel comfortable around the team to just do our jobs.”

Maliban kay Thirdy, nagpakitang gilas din sa laro ang mga kasanggang sina Roger Pogoy, Cj Perez, at Juan Gomez de Liaño. Tumapos si Pogoy na may 16 puntos at 6 na rebounds, habang nagdagdagdag ng 11 puntos at 7 rebounds si Perez.

Ito ang unang pagkakataon na muling nagkasama maglaro sa iisang team ang magkapatid na Ravena pagkaraan ng 6 na taon, mula noong 2014 sa huling taon ni Kiefer sa Ateneo.

Kaya naman, naging espesyal din para sa dalawang anak ng dati ring national cager at ngayo’y TNT head coach na si Bong Ravena ang muli nilang paglalaro na magkasama.

“Definitely feels good to play with him again after years of waiting,”ani Thirdy sa reunion nila ng kanyang kuya.

“I can’t wait to play with him some more. I look up to him, and he’s one of the people who really guided me growing up and playing basketball, and really taught me how to play the sports,” aniya.

-Marivic Awitan