RAMDAM na ni Pia Wurtzbach ang summer vibe sa pagbalik nito kamakailan sa Bangkok, ang kanyang most visited city.

Pia

Sa latest ng Pia’s Postcards, binisita ng dating Miss Universe ang longest-running temple fairs sa Wat Saket o ang Golden Mount Temple, kung saan matatagpuan ang relic ng Buddha. Naobserbahan din ni Pia ang ilang Buddhist customs tulad ng pag-aalay ng lotus flower sa Buddha statue bilang tanda ng respeto at pagsisindi ng incense sticks para sa prosperity,inilaunch niya ang kanyang own krathong, isang traditional act of asking for forgiveness.

Tampok sa Temple Fair ang iba’t ibang Thai delicacies tulad ng Chao Tan Buriram o watermelon-flavored rice crispy, Khanom Chak o sticky rice flour with coconut, at Nam Linchi o pink lotus drink na exclusively sold tuwing festival para sa benepisyo ng templo na kilalang nangangalaga ng mga taong may HIV at AIDs.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nagpunta rin si Pia sa Wat Arun o ang Temple of Dawn, ang Wat Traimit kung saan makikita ang biggest golden Buddha, at ang Wat Pho na ipinagmamalaki ang kanilang reclining Buddha.

Dinayo rin niya ang Or Tor Kor Market, ang tinaguriang world’s cleanest and best-organized food market; gayundin ang Siam Niramit, kung saan maaaring maranasan ng bisita ang kultura ng Thailand sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.

Nagawa rin ng beauty queen ang dalawa sa kanyang bucket list—ang magsuot ng Thailand’s national costume complete with the Chada headdress, at ang bisitahin ang Thipsamai Restaurant, na kilala para sa oldest at best Pad Thai joint sa Bangkok.

Mapapanood ang Pia’s Postcards sa Metro Channel at sa iWant.

-Manila Bulletin Entertainment