IPINAGMAMALAKING ihandog ng Viva Films ang “sexiest love triangle in Philippine cinema” ngayong summer, na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca, ang Hindi Tayo Pwede. Mula sa panulat ng iconic storyteller na si Ricky Lee, ang pelikulang ito ay dinirek ng iconic director na si Joel Lamangan.

HINDI TAYO PWEDE

Ito ay kuwento ni Gabby o Gab for short (Lovi) na na-in love sa binatang may kaparehas ng kanyang pangalan (Tony) at may matalik na kaibigan na si Dennis (Marco).

Malapit nang ikasal sina Gab at Gabby, ngunit isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Gabby. Si Dennis ang naging karamay ni Gab. Nang magtapat si Dennis ng kanyang pagmamahal sa kanya, hindi nakaiwas ang dalaga na makasiping ito.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Ngunit hindi pa rin nawawala ang presensiya ni Gabby sa buhay ni Gab. Nakikita, nakakausap, at nakakasiping niya pa ito. Kapag binuksan ni Gab ang kanyang puso para kay Dennis, maaaring tuluyan nang mawala si Gabby sa kanya. Handa na ba siyang bumitaw? Bibigyan niya ba ng pagkakataon ang sarili na magsimula muli?

Tinaguriang “Kapuso Primera Aktresa” at nagwagi ng tatlong beses bilang Best Actress at tatlong beses rin bilang Best Supporting Actress, inaasahang maaantig ni Lovi ang mga manonood sa romantic drama na ito. Ito ang ikalawang beses na nakatrabaho niya si direk Joel Lamangan. Ang una nilang pelikula ay ang The Bride and the Lover noong 2013.

Nakagawa na ng maseselang love scenes si Lovi Poe sa pelikulang The Annulment, at ngayon kaabang-abang kung gaano kalakas ang kanyang chemistry kina Tony at Marco na tinuturing na dalawa sa mga hottest heartthrobs sa ngayon. Naging sensational si Labrusca sa Glorious at intense naman si Gumabao sa Just a Stranger.

Sa trailer pa lamang ng “Hindi Tayo Pwede,” mapapansin na todo bigay ang tatlong bida sa kanilang maaalab na eksena. Naging mainit rin ang pagtanggap ng mga manonood sa trailer dahil hindi pa man naka-24 oras simula nang ipalabas ang trailer ay pumalo na agad ito sa 1.6 million views across all social media platforms. Base sa mga komento ng mga netizens, gustong-gusto pa rin ng mga tao ang ganitong pelikula na parehong nakakakilig at mapanakit.

Mapapanood ang “Hindi Tayo Pwede” sa mga sinehan simula March 4.

Ang kantang “Hindi Tayo Pwede” ng The Juans ang official theme song ng pelikula. Meron na ito ngayong 45 million streams in various platforms

-MERCY LEJARDE