NAKAPAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang National Squash bukod sa apat na bronze medal sa katatapos na 6th Southeast Asian Cup Squash Championship sa Bangkok, Thailand.
Magaan na nadomina ng Pilipinas ang dalawang event -- jumbo doubles sa men’s at women’s divisions.
Matikas na nakihamok sina Robert Garcia at David William Pelino upang patumbahin sina Satria Laksana at Agung Wilant ng Indonesia sa pamamagitan ng 12-15, 15-14, 11-3 desis¬yon sa men’s finals para masiguro ang ginto.
Nakisosyo sa tagumpay sina Jemyca Aribado at Yvonne Alyssa Dalida matapos pabagsakin ang tambalan nina Nisa Nur Fadillah at Yaisha Putri Yasandi ng Indonesia, 15-8, 15-,
Sa singles event, nakahirit naman ng tig-iisang tanso sina Aribado, Garcia, Dalida at dating gold medallist Reymark Begornia sa singles events.
Nalampasan ng Pinoy squad ang isang ginto at isang pilak na medalyang nakuha nito noong 2016 edisyon ng torneo na ginanap sa Myanmar