Nanghihinayang si Sylvia Sanchez na hindi siya nakadalo sa pagbubukas ng Fusion International Film Festival sa London nitong Huwebes, Pebrero 20, bilang pangunahing bida ng pelikulang Jesusa dahil may taping siya ng Ang Pamilya Ko.

sylvia

Tanda namin nang unang mabalitaan ng aktres na nominado siya sa pagka-Best Actress para sa pelikula ay abut-abot ang pasalamat niya at tinanong namin kung makakadalo siya ay hindi kakayanin ng schedule.

“May taping ako ng Pamilya Ko, hindi ako puwedeng umalis, hindi rin ako pinayagan,” saad ni Ibyang.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

At nitong Pebrero 20 ay bukod tanging si Mara Isabella Lopez Yokohama o Mara ang bukod tanging nakarating ng London na nominado sa pagka-Best Supporting Actress din sa nasabing pelikula.

MARA LOPEZ

“Fusion International Film Festivals, interview with Steve. Atalk about interview with Steve. Atalk about Ronaldo Carballo’s JESUSAhow brilliant Jojo Campo Atayde was, the drug war..the Philippine government and so much more. Coming soon. Thank you for the photos Adne Lysngtad Nilsen,” caption ng aktres sa litratong pinost niya na nasa Crowne Plaza London.

Ni-repost ni Sylvia ang litrato ni Mara at ang caption niya, “Wish Icould be there. Thank you ‘nak, Mara Isabella Lopez Yokohama for representing our film Jesusa in the Fusion International Film Festival. Even just to be acknowledged is already such a win but good luck to all of us! Love u ‘nak.”

Samantala, natapos na ang shooting ng pelikulang Coming Home ni Sylvia kasama si ex senator Jinggoy Estrada para sa Maverich Productions at ALV Productions at hinihintay na lang kung nakapasok ito sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.

-Reggee Bonoan