SA Lunes na ang premiere night ng pelikulang Us Again nina Jane Oneiza at RK Bagatsing na idinirek ni Joy Aquino mula sa Regal Entertainment.

US Again

Sa nakaraang grand mediacon ng Us Again ay isa ang baguhang si Sarah Jane Edwards sa mga tinanong dahil naging interesado sa kanya ang lahat ng malamang nagtrabaho siya sa Seoul, Korea kung saan nakabungguang braso niya ang mga sikat na artista roon.

Inamin ni Sarah na two years ago pa siya may offer kay Ms Roselle Monteverde para gumawa ng pelikula pero nakapirma siya ng kontrata sa Korea kaya tinapos muna niya saka siya bumalik ng bansa at heto nga ang unang pelikula ay ang Us Again.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'

Maganda, articulate at mukhang bata pa si Sarah at opisyal na siyang Regal Baby dahil may kontrata na siya kaya tinanong kung type niyang magsuot ng magic kamison na ginamit noon ng mga sumikat na Regal Babies noon tulad nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Sheryl Cruz, Aiko Melendez, Ruffa Gutierrez, Joyce Jimenez, Maricel Soriano at marami pang iba. Baka kasi sa mga pelikula ng bawa’t isa ay puwedeng gawan ng remake.

“I think we’ll get there someday but for now siguro po more practice. Parang nakakabigla po yata kung biglang daring. Masaya naman po ang experience ko for my first year (movie) with Regal. As for the daring stuff, I can imagine myself doing that later on po,”nakangiting sagot ni Sarah.

Nabigla talaga siya sa tanong kasi sa obserbasyon namin ay konserbatibo siya bukod pa sa hosting ang forte niya pero hindi naman niya isinasara ang pinto kung may magandang offer sa kanya para sa launching movie niya sa Regal.

At kung papalarin ay si Alden Richards ang gusto niyang maging leading man dahil may common ground sila.

“Dream na maka-work lang, si Alden po. Nagmo-mobile legends siya kaya may common ground nap o kami kapag nakausap ko na siya,” natatawang sabi ng dalaga.

Samantala, sa titulo ng pelikulang Us Again ay hindi pa nangyari kay Sarah ito dahil para sa kanya kapag tinapos na nang dalawang magkasintahan ang kanilang relasyon, tapos na talaga at hindi na kailangang magbalikan pa.

“Kung kaya pong i-save gawin the during the relationship, pero kung hindi na talaga magkasundo, siguro po best thing is tapusin na talaga,”sambit ni Sarah.

As of now ay nag-acting workshop ang dalaga sa Star Magic bukod pa sa voice lesson.

Mapapanood na ang Us Again sa Miyerkoles, Pebrero 26 mula sa Regal Entertainment.

-Reggee Bonoan