HUMIHILING ng panalangin para sa ulan ang Diocese of Baguio upang masugpo ang sunog na patuloy na nagliliyab sa kabundukan ng Cordillera mula pa noong Miyerkules.

Ang kasalukuyang wildfire ay sumiklab matapos ang siyam na araw na

forest fire na tumupok sa 150 ektaryang kagubatan sa Kabayan, Benguet.

Sa pagbabahagi ni Rev. Fr. Manuel Flores, social action commission director ng Baguio diocese, wala pang ulat ng namatay ang naitala at hindi naman kailangan ang agarang relief “but we need rain for the wildfire to stop. We are appealing for prayers for rain,” pahayag ni Flores sa Church-run Radio Veritas.

Nasa higit 20 ektarya ng pine trees ang nasira na umano ng sunog sa Sitio Nalseb, Ambassador, Tublay, Benguet. Sinabi naman ni Fire Officer 1 Richard Watas ng Tublay Bureau of Fire Protection sa dalawa nilang firetrucks at isa sa La Trinidad fire station ang sumama sa mga residente upang maglakbay ng ilang oras para mapuntahan ang lugar ng sunog at subukang maapula ang apoy.

“We are currently assessing the situation and helping inform our parishioners about it. Right now, we are praying for rain. Please pray for rain to help stop the wildfire,” pahayag ni Flores.

Ibinahagi naman ni Fr. Flores said, na isa sa mga rason na maaaring dahilan ng sunog ang pagsasagawa ng kaingin (slash and burn) sa lugar na kumakalat sa mga cogon grass, na nagreresulta sa wildfire.

-CHRISTINA I. HERMOSO