SORSOGON —Inagaw ni Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang atensyon mula sa mga liyamadong riders, kabilang ang limang dating kampeon nang magtala ng kasaysayan bilang Stage 1 winner ng LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race kahapon dito. 

MARK MY WORD! Taas ang mga kamay na tinawid ni Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang finish line para tanghaling Stage 1 winner ng 2020 LBC Ronda Pilipinas nitong Linggo sa Sorsogon, habang tinanggap ang premyo mula sa organizers (itaas) sa awarding ceremony.

MARK MY WORD! Taas ang mga kamay na tinawid ni Mark Bordeos ng Bicycology Shop-Army ang finish line para tanghaling Stage 1 winner ng 2020 LBC Ronda Pilipinas nitong Linggo sa Sorsogon, habang tinanggap ang premyo mula sa organizers (itaas) sa awarding ceremony.

army1

Matikas na nakipag-sabayan ang 24-anyos na Bordeos laban sa pinakamalalaking pangalan sa torneo, bago dumiskarte sa krusyal na sandali ng 129.5-kilometer Stage 1 at ungusan sina Jerry Aquino, Jr. ng Scratch It, Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines at George Oconer ng Standard Insurance-Navy.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Magkakapareho ang tyempo na nakamit ng apat – tatlong oras, anim na minuto at pitong segundo – ngunit, nakamit ni Bordeos ang karapatan na maisuot ang ‘red jersey’ ang simbolo ng liderato sa pagsikad ng Stage 2 ngayon ng karera na inorganisa ng LBC, sa pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Foundation.

Nakataya sa torneo ang P1milyon para sa individual champion.

“ H i n d i n a a k o humiwalay sa peloton, sa last 500 meters h i n i r i t a n k o n a , kayang-kaya naman sa pakiramdam ko dahil nasa kondisyon naman tayo,”

p a h a y a g n i Bordeos, mula sa Laoac, Pangasinan.

Kabilang si Mark Galedo ng 7Eleven, ang 2012 champion at nagbabalik aksiyon matapos ang apat na taon, sa mga naunang sumirit sa unahan ng peloton, subalit hindi niya ito nasustinahan tungo sa ikalimang puwesto sa tyempong 3:06:10.

“It would have been nice race if they had given their share but I was disheartened that no one did so I just decided to just slow down a bit,” pahayag ng 34-anyos na si Galedo.

Tumapos naman si Jan Paul Morales ng Standard, target na maging unang rider na maging three-time winner dito, kasama sina Aiden James Mendoza, Marcelo Felipe at Mervin Corpuz at Celeste Cycling Team’s Alvin Benosa sa grupong may oras na 3:06:19.

Bumuntot sa ika-12 puwesto si Go for Gold’s Daniel Ven Carino at Jonel Carcueva sa tyempong 3:07:01.

Kasama naman ni 2018 champion Standard’s R o n a l d O r a n z a , s i n a 7Eleven’s Nichol Pareja sa No.16 (3:07:28), habang si Reimon Lapaza ng Celeste, ang 2014 titlist na nagsasagawa rin ng comeback, at pumasok sa Top 20 (3:07:32).

“Mark’s victory is the product of the entire team’s hard work and perseverance. We knew this win was bound to happen, sooner or later. That it came right on the first day of the Ronda Pilipinas means more and bigger challenges ahead, because everyone will now set their eyes on us. It is now up to us how to respond,” pahayag ni Army-Bicycology Shop team manager former swimming champion Eric Buhain.

“That’s a very good start, and it’s proof that our team is ready to race. But there is a lot of work ahead, we must keep our focus,” aniya.

Sa team race, nakamit ng Standard ang pangunguna tangan ang kabuuang oras na 12:24:55 kasunod ang 7Eleven at Celeste Cycles na may tyempong 12:27:26 at 12:27:35, ayon sa pagkakasunod.

Ang 10-stage race ay suportado rin ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamb a , Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Target ni Bordeos na masundan ang panalo sa pagsikad ng 150.6km Sorsogon-Legazpi Stage 2 ngayon.