SINIBAK ng No.3 seed Makati-Super Crunch ang No.6 Bulacan, 86-78, sa kanilang quatrefinal match-up sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan nitong Sabado sa Malolos Sports and Convention Center.

Sa kabila ng homecourt edge, nabigo ang Bulacan na masawata ang Makati Boys na determinado na makausad sa championship round.

“Losing the homecourt, sabi ko na we just have to stay together,” pahayag ni Makati head coach Beaujing Acot.

Naisalpak ni Joseph Sedurifa ang three-pointer para hilahina ng bentahe sa 11 puntos mula sa dikit na 72-67 may 2:52 ang nalalabi.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“Noong last three minutes of the game, sabi ko treat the game as zero-zero kahit lamang kami by ten that time,” ayon kay Acot.

Nanguna si Cedric Ablaza sa naisalpak na 22 puntos, habang kumana si Torralba ng 22 para sa Makati.

Kumubra si Jackster Apinan ng 16 puntos, siyam na boards, at pitong assists, habang umiskor si Sedurifa ng 11 puntos at 13 boards.

Kumana si Stephen Siruma ng 16 puntos para sa Bulacan.

Umabante rin ang North second seed Manila-Frontrow nang malusutan ang Pasig-Sta. Lucia, 82-80.

Nanindigan ang Maneleno sa matikas na pagbalikwas ng Pasig sa krusyal na sandali para maisalba ang panalo.

“Sabi ko sa kanila, after nung three-point shots ni Manalang, stay composed, huwag mag-panic at nandoon pa rin dapat ang depensa, lamang pa rin tayo,” pahayag ni Manila head coach Tino Pinat.

Nanguna si Carlo Lastimosa sa Stars sa natipang 21 puntos.

Iskor:

(Unang Laro)

Makati-Super Crunch (86) - Ablaza 22, Torralba 22, Apinan 16, Sedurifa 11, Baloria 8, Atkins 3, Cruz 2, Lingganay 2, Manlangit 0, Importante 0.

Bulacan (78) - Siruma 16, Dela Cruz 12, Alabanza 11, Nermal 10, Alvarez 9, Santos 7, Capacio 4, Taganas 3, Arim 3, Diputado 3, Escosio 0.

Quarterscores: 22-25, 41-39, 65-59, 86-78.

(Ikalawang Laro)

Manila-Frontrow 82 - Lastimosa 21, Bitoon 19, Dionisio 14, Dyke 13, Espinas 4, Go 3, Matias 2, Tallo 2, Lee 2, Abrigo 2, Hayes 0.

Pasig-Sta. Lucia 80 - Teng 25, Nimes 21, Najorda 14, Manalang 12, Tamayo 6, Gotladera 2, Velchez 0, Mendoza 0, Grealy 0.

Quarterscores: 22-14, 42-32, 64-62, 82-80.