INAMIN ni Julia Barretto na open pa rin siyang makatambal ang dating ka-loveteam at ex-boyfriend na si Joshua Garcia kapag may magandang materials pero hangga’t maaari sana ay gusto niyang maipareha sa iba’t ibang leading man.

JULIA N TONY

Sa nakaraang mediacon ng iWant digital series niyang I Am U na mapapanood na na sa Pebrero 26 kasama si Tony Labrusca ay inamin niyang masaya siya na tanggap na may iba ng ka-loveteam si Joshua, si Janella Salvador.

“I’m very happy for him na nakakakapag-explore po siya, nakakapag-trabaho siya with different leading ladies which you know during the duration of our partnerships that’s what we also talk about and we’re open also about our individual projects kasi nu’ng loveteam pa po kami noon meron na kaming mga individual offers and we always collaborate and talk about it and excited for each other.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'

“You know up to this day watching him from afar like I always tell him na I always be your cheerleader, always cheering you from afar so wherever he is and his career now, I’m very proud of him because I’ve seen his growth, I was there to witness the beginning of that all, so I’m very proud,”magandang pahayag ng aktres.

Hindi naman sinangga ni Julia ang mga balitang naglabasan na hindi sila okay ni Joshua ngayong hiwalay na sila.

“Which is natural for people to expect because di ba, ‘yan ‘yung normal na (reaksyon) pag break up they’re always think that way but I think we took the different crowd and they respect for each other and you know, we started as friends and we chose to go back to that which was healthy for the both of us,” paliwanag ni Julia.

Malakas ang JoshNella loveteam ngayon at hindi naman lingid iyon kay Julia kaya hiningan siya ng reaksyon sa mga loyal na supporter ng JoshLia.

“Actually I’m very proud of them kasi napaka-mature nila understanding, and respectful sa mga decisions that we both have to make and until now naman, they support each individual projects and malaki ang pasasalamat ko sa kanila,” nakangiting reaksyon ng dalaga.

Kung si Julia ay sumubok na sa iba’t ibang genre pagkatapos ng romantic comedy o love story ay nakatali pa rin si Joshua sa romcom, nabigyan ba ng dalaga ang binata na tumanggap na rin ng projects na iba bukod sa mga nabanggit.

“Those stuff nanggagaling mismo sa kanya ‘yung desire niya to do different genres also, alam naman natin na malalim na tao, malalim na aktor so ang parati niyang sinasabi sa akin noon was gusto niyang makagawa ng different genres, he also want to be paired with a lot of leading ladies lalo na nu’ng nag first solo ako last year di ba, ‘yung Between Maybes. Sabi niya sana makagawa na rin ako ng solo which is happening to him right now kaya lagi kong sinasabi natutuwa talaga ako sa karera niya ngayon,” sambit ni Julia.

Ano ang mensahe ng aktres sa JoshNella partnership.

“I’m so happy for the two of them! First of all, happy ako kay Josh kasi nakaka-maintain siya sa ganu’n path and happy ako for Janella genuinely because you know dati kasi parati naming pinag-uusapan ‘yung mga pangarap naming dalawa, ‘yung mga gusto naming maabot, gusto naming ma-experience, mga path na gustong mapuntahan and watching her from afar doing all these things, proud ako sa kanya and pinagpe-pray ko rin siya,” seryosong paliwanag ni Julia.

Samantala, abangan ang I Am U sa Miyerkoles at alamin kung kanino sa dalawang karakter na sina Rose at Elise naka-relate si Julia at kung anong lihim mayroon ang isa’t isa mula sa Dreamscape Digital at IdeaFirst Company na i d i n i r e k n ama n n i Dwe i n Baltazar.

-REGGEE BONOAN