NANAWAGAN ang writer, human rights advocate na si Dino Manrique na i-pull out ng ibang filmmakers ang kanilang entry bilang suporta kay director Jay Altarejos matapos i-pinull-out ng Sinag Maynila ang entry nito na Walang Kasarian ang Digmang Bayan.
Bukod sa panawagang pagpu-pull out ng ibang filmmakers sa film festival, kasama ring ipinanawagan ni Dino na hindi na mag-submit ang filmmakers sa Sinag Maynila at i-boycott ng moviegoers ang Sinag Maynila.
Na-pull out ang Walang Kasarian ang Digmang Bayan sa mga rason na mababasa: “SINAG MAYNILA announces that the film, WALANG KASARIAN ANG DIGMANG BAYAN (THE REVOLUTION KNOWS NO GENDER) directed by JOSELITO ALTAREJOS, will be pulled out from this year’s Full Length Category finalist.
The Executive Committee, after thorough review, found that there is substantial deviation from the submitted and approved script and that the Film is no longer a faithful representation of the approved screenplay.
Furthermore, SINAG MAYNILA reserves the right to disqualify an entry for failure to comply with its rules and regulations as well as the terms and conditions of its agreement with the filmmakers.
Naglabas ng statement si direk Jay tungkol sa isyu:
“Una sa lahat, maraming salamat sa suportang natatanggap namin mula kahapon. Nakakaiyak at nakakataba ng puso na marami pala sa atin ang nakakaramdam na nang paniniil ng gobyernong Duterte sa pamamagitan ng kanyang mga mersenaryo sa iba’t ibang sector ng lipunan.
I am addressing our statement to BRILLANTE MENDOZA bilang isa siya sa founder festival director ng Sinag Maynila.
The reason that Brillante Mendoza and Sinag Maynila cited for their removal of WALANG KASARIAN ANG DIGMANG BAYAN from the festival is a flimsy way out to get rid of me and the film.
Brillante Mendoza, sa meeting na naganap noong Feb. 20 sa Solar office, isa lang ang hiniling ko sa inyo-SABIHIN YO LANG ANG TOTOO sa statement nyo at susuportahan ko kayo o hindi ako magsasalita.
Nagsasalita ako ngayon at patuloy pa na magsasalita sa mga susunod na araw dahil nagsinungaling kayo.
Iniimbitahan kita Brillante Mendoza at ang Sinag Maynila na makipag-usap sa akin sa harap ng media para sagutin kung ano ang nangyari sa pagitan ng presscon, kung saan ipinalabas ang trailer, at sa nangyaring meeting noong Huwebes.
Tayo ba ay Martial Law na at ikaw ang tagapagpaganap sa sector ng pelikula, Brillante?
Patuloy kaming makikipaglaban para sa tunay na kalayaan. Kalayaan sa pagpapahayag at kalayaan sa pamamahayag.
Makakaasa kayo na sa bawat kasinungalingang ilalabas nyo, babalikan ko kayo ng tatlong katotonahan.”
Ang Walang Kasiran ang Digmaang Bayan ay story ng isang young filmmaker at journey niya from being an artist, to activist, to fighter. Tatalakayin din sa pelikula
ang drug war ni President Rodrigo Duterte at human right abuses sa gobyerno ni Duterte.
Kasama sa cast ng movie sina Arnold Reyes, Sandino Martin, Oliver Aquino at Rita Avila at naging controversial ang dialogue ni Rita na “ Kung matapang lang ako, ako mismo ang papatay kay Duterte.”
Sabi ni direk Jay, kundi maipalalabas sa regular screening ang controversial niyang pelikula, sa Internet na lang niya ipalalabas ang pelikula. Baka mas marami pa raw makapanood kung libre na ipalalabas ang pelikula.
Wala pang sagot si direk Jay kung papayag siyang alisin ang controversial line ni Rita kung ipag-uutos ng MTRCB. Pero, nanindigan itong walang masama sa line na ‘yun ni Rita.
-NITZ MIRALLES