MATAGAL nang natapos ang Valentine’s Day concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo na Unified, sa Smart Araneta Coliseum, pero nagkaroon din pala ito ng issue, sangayon sa aming source.

Ito’y nang matapos na raw ang concert, na umakyat ng stage si Ogie Alcasid with bouquet of flowers for his wife Regine, na sinundan ni Matteo Guidicelli na may dala ring bouquest of flowers for Sarah. Ikinagalit daw iyon ni Mommy Divine, bakit daw si Matteo ang nagbigay ng flowers, dapat daw ay parents ni Sarah ang nagbigay ng bulaklak.

Lingid sa lahat, si Boss Vic del Rosario raw ang talagang magbibigay ng flowers kay Sarah, but since si Ogie ang umakyat para mag-abot ng bulaklak sa asawa, ang ginawa raw ni Boss Vic, na katabing nanonood ng concert si Matteo, ay ibinigay sa actor ang bouquet of flowers at sinabing siya na ang magbigay nito sa girlfriend.

At kasunod ngang naging issue ay ang secret civil wedding nina Matteo at Sarah last February 20.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Last Saturday, February 21, lumabas ang video ni Fr. Jerry Orbos, SVD, na Just A Moment a moment of reflection, na gusto naming ibahagi. Tinalakay niya doon ang ‘don’t play ICE’ which stands for Imposition Control Expectation. Tungkol ito sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak. Huwag mag-impose sa inyong mga anak. Yes, kapag isinilang at pinalalaki mo ang mga anak mo, puwede kang mag-imposed pero habang lumalaki sila, dapat kasama ka ring lumalaki nila, hindi mo na sila puwedeng kontrolin, magiging coach ka na lamang o consultant kung ano ang gusto nila, do not play God to them, dapat irespeto mo ang kanilang gusto. Only God is in control, hindi tayo. At do not expect from them kung ano ang gusto ninyo, dahil tiyak may iba naman silang gusto.

-NORA V. CALDERON