NAINTRIGA ang pagpapa-dinner ni Boy Abunda sa bosses ng GMA Network na para sa talent niyang si Ai-Ai delas Alas at hindi para sa kanya (kay Boy). May mga nag-isip agad na lilipat o babalik si Boy sa Kapuso Network, iiwan ang ABS-CBN dahil may problema sa renewal ng franchise.

Boy at Ai Ai with GMA bosses

Kahit ang linaw ng caption ni Ai-Ai na “Thank you ama Mr. BOY ABUNDA for hosting the DINNER WITH GMA BOSSES... salamat pos a time ms lilybeth, ms darling, ms ruth, ms gigi, ms nini and ms weng. Sarap ng kwentuhan... yehey and thank you sa mga lady bosses for their time.”

Kailangan niyang ulitin na hindi lilipat si Boy at “para sakin yan sya lang nag host kwentuhan and chika and thank you na rin me sa gma,” may makukulit pa rin at pinipilit na lilipat sa GMA si Boy.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa nagtanong kung kailan ang next project ni Ai-Ai sa GMA-7, ang sagot ni Ai-Ai, “malapit na hehe sa march game na.”

Hintayin natin ang March, pero may mga naniniwalang, sa All-Out Sundays papasok si Ai-Ai dahil bagay siya sa isang segment ng show.

-Nitz Miralles