PANGUNGUNAHAN nina “Triggerman”, Allan Caidic at “Flying A”, Johnny Abarrientos ang mga PBA legends at mga kasalukuyang UNTV players na maglalaro bukas sa Wish Olympics na idaraos sa Araneta Coliseum.

Ang nasabing laro ay bahagi ng isang fund raising event na inorganisa ng UNTV sa pangunguna ng kanilang president at CEO na si Dr.Daniel Razon para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal noong nakaraang buwan sa Batangas.

“Basta puwede ako makatulong handa ako parati,”ani Caidic.”Nakakaawa ang mga kababayan natin sa Batangas so dapat lang damayan natin.”

Kasama nila sa team ang mga kapwa PBA legends na sina Chris Calaguio at mga dating MVP na sina Jayjay Helterbrand at Willie Miller.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Ang iba pa nilang kakampi ay ang mga UNTV players na sina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysayan ng Agriculture at sina Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.

Makakatunggali naman nila ang celebrity squad na binubuo nina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casino, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz.

Magsisilbing coach ng Legends-UNTV si Ed Cordero habang si Emman Monfort naman para sa celebrities.

Kaugnay nito, mayroon ding volleyball exhibition na magtatampok sa ilang mga celebrities gaya nina Gretchen Ho, Claudia Barreto, Aya Fernandez at Gwen Zamora at mga kasalukuyang players sa iba’t-ibang liga.

-Marivic Awitan