TUNAY na kabibiliban ang Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag, sa kabila ng kawalan ng isang tunay at world-class training facility.
ni Margielyn Didal na
makasikwat ng slots sa
2020 Tokyo Olympics.
Kasama si Nicole Means,
nadomina ni Didal at ng
Philippine Team ang 30th
Southeast Asian Games
nitong Disyembre sa Manila.
(RIO DELUVIO)
At para kay Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng Pinoy – hindi lang isa bagkus higit pa – na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.
“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skaters. After dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly sa abroad. To tell you , Frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang galing, despite the fact, that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano.
“Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating mga skaters sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung meron tayong pasilidad na pagsasanayan nila.
“Kaya po kami ay dumudulog sa pamahalaan at sa pribagong sektor na tulungan kami na makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po yung sarili naming pasilidad,” aniya.
May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 39th SEA Games nitong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lamang sa mahihinang material.
“But, again, despite of this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” sambit ni Sembrano sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Kasama niyang dumalo sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, at Community Basketball Association, sina SEAG gold medalist (downhill) Jaime de Lange at SEAG silver winner (Street) Mark Feliciano, gayundin ang koponan ng Quezon City Defenders ng National Basketball League (NBL) at karate organizers David Lay at Rudy Ochoa.
Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking ng Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng National Team para sa pagsabak sa Olympic qualifying event sa abroad.
“Because of the Corona virus scared, hindi nakasali an gating mga skaters sa Olympic qualifying sa HongKong and Australia. Meron pa namang nakalinya na puwede naming salihin and hopefully, makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” aniya.
Para kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay bagkus ang mapadami ang kabataang Pinoy na sumubok na lumaro ng skareboarding.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa siya ng skaketboarding clinics ng libre sa Filinvest,Muntinlupa.
“Last time we have 50 participants. This Sunday I expected the number to double. It’s good for the sports. With the help of Blackwater, my mission is to help the kids and old alike to learn the basic. So bring your skateboard and joined us this Sunday. It’s free and open to everybody,” pahayag ni Lange.
-EDWIN ROLLON