MULING sinargo ni world champion Dennis Orcollo ang international billiard scene matapos pagharian ang 2020 Annual Texas 10-Ball Open kamakailan sa Round Rock sa Texas, USA.

Orcollo

Orcollo

Impresibo ang Pinoy cue masters nang makompleto nina Warren Kiamco at Francisco Bustamante ang ‘sweep’ sa torneo.

Ginapi ni Orcollo sa All-Pinoy Finals si Kiamco, 7-0.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Umusad ang Surigao del Sur pride na si Orcollo sa finals matapos walisin ang lahat ng asignatura nito sa eliminasyon. Naungusan naman ni Kiamco si Bustamante sa do-or-die semis match, 7-1.

Kabilang sa mga pinataob ni Orcollo sina Kenny Loftis, John Gabriel, Justin Hall, Kevin Guimond, Junior Jueco at Naoyuki Oi. Nakamit ni Orcollo ang tumataginting na US$4,000 premyo habang nagkasya sa US$2,400 si Kiamco.

Naibulsa naman ni Bustamante ang US$1,300 konsolasyon sa kanyang third-place finish. Matikas ang kampanya ni Orcollo sa taong 2020 nang matapos masungkit ang ikaapat na sunod na kampeonato.

Nadomina niya ang 2020 Midnight Madness sa Madison, Tennessee noong Enero para mag-uwi ng $4,000 premyo, bago umariba sa 2020 Derby City Classic kung saan napasakamay nito ang Master of the Table crown para angkinin ang $20,000.

Nagkampeon din si Orcollo sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Banks Division tungo sa $16,000 champion’s prize. Dahil sa kanyang panalo, No.1 si Orcollo sa Az Billiards Money List na may kabuuang premyo na US$52,150.