Finally! Congratulations Sarah and Matteo.

SARAH AT MATTEO

Kumpirmadong ikinasal na nga sina Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli nitong Huwebes sa Taguig City.

Ginanap ang civil wedding ng AshMatt couple sa isang posh hotel sa Bonifacio Global City dakong 11 pm.

Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'

Top secret ang civil ceremonies. Para hindi mahalata, sa umaga ng kasal ay nag-taping pa si Sarah. Si Matteo naman, ay nagpaskil sa Instragram na nagwo-workout sa gym.

Pagsapit ng gabi ay nagkita ang magkasintahan sa Shangri-la at the Fort kung saan magaganap ang kanilang kasal.

Sinadya ng couple na iligaw ang mga usisero sa kanilang kasal.

Nang umaga ng Pebrero 20, nag-post ang blogger na si Michael Louie Almacen ng Byx Buzz sa kanyang social media para patunayang hindi totoo ang kumalat na balitang na ikakasal si Sarah nu’ng araw na iyon.

Ang caption ni Byx Buzz sa video post sa dressing room ni Sarah G, “Taping po si Sarah Geronimo ng preparation for Battles ng The Voice Teens today #TheVoiceTeens #Wedding.”

Inilabas din ng ibang staff ng The Voice Teens ang video na naroon si Sarah sa studio at naghahanda na pagpasok sa loob nito at nag-good morning pa nga ang future Mrs. Matteo Guidicelli.

Nagkatawanan ang mga staff ng TVT kaya ginawang running joke ang alingasngas sa kasal ni Sarah na habang nasa isang coffee hop sila sa tabi ng ABS-CBNay nilagyan ng caption na, ‘sa Coffee Project ang reception ng kasal?’

Ngunit nabunyag ang secret wedding sa blotter report na inihain ng close-in security ni Sarah na Jerry Tamara sa police precinct Taguig sa madaling araw ng Pebrero 21.

Ayon kay Jerry, sinuntok siya ng groom nang malaman na nagsumbong siya sa ina ni Sarah na si Mommy Divine tungkol sa nangyayaring kasalan.

Biglang napasugod si Mommy Divine sa wedding place, para makausap ang anak.

Nakasaad sa blotter report ni Tamara na sinuntok siya ni Matteo sa kalagitnaan ng kasal nang biglang dumating si Mommy Divine.

Lumalabas na hindi alam ni mommy Divine na ikakasal sina Sarah at Matteo, at si Tamara nga ang nag-tip sa kanya.

Matagal nang iniulat na hindi sang-ayon si Mommy Divine sa relasyon nina Sara at Matteo simula pa noong 2014.

Inanunsiyo ng long-time celebrity couple ang kanilang engagement noong Nobyembre 2019.

Sa pagkakatanda namin at depende kung may pagbabago ay Marso 2020 ang church wedding nina Sarah at Matteo. Ang petsa, kayo na ang humula.

-REGGEE BONOAN