ISANG chess tournament ang isasagawa bilang pagbibigay pugay sa isa sa pinakamagaling na manlalaro ng chess sa Nueva Ecija province na tutulak sa Marso 1, 2020 (Linggo) sa ganap na alas 10 ng umaga sa lower ground, SM Megacenter sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang torneong ito (Open tournament) ay pinamagatang Danilo Lopez Memorial Chess Tournament.

Inorganisa ng Cabanatuan City Chess Club sa gaby nina Dr. Gener S. Subia, Mr. Benjamin S. Bauto at Dr. Bernie C. Sadey.

Ipapatupad sa torneong ito ang seven-round Swiss System format na may 20-minute time at five-second delay.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Tatangap ang magkakampeon sa Open dibisyon ng P8,000 habang ang second, third, fourth ay fifth placers ay mag-uuwi ng tig P5,000, P3,000, P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod. May nakalaan din sa sixth hanggang tenth placers na tig P500.

May special prizes worth tig P500 para sa category winners na top Senior, top Female, top High School, top College at top Nueva Ecija.

Sa kiddies 13 year old and below, maisusubi ng magkakampein ang lion share P1,500 habang ang second P600, third P400, fourth P300 at fifth hanggang tenth placers na tig P100.

Mag call o text kay Mr. Benjamin S. Bauto sa 0923-650-8489/ 0956-432-2272.