INILABAS ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final 12-man lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak kontra Indonesia para sa unang window ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers sa Linggo (Feb. 23) sa Mahaka Arena sa Jakarta.

Kabilang sa napili matapos ang huling ensayo ng National Pool nitong Miyerkoles sa Meralco Gym sa Pasig City, sina rookie Isaac Go, Matt Nieto, Dwight Ramos, Juan Gomez De Liaño, at Justin Chua.

Kabilang din sa koponan ang mga naging miyembro ng Gilas team na sumabak sa nakaraang taong World Cup na sina Kiefer Ravena, Troy Rosario, Roger Pogoy, Poy Erram at CJ Perez.

Bapili rin sina Abu Tratter at Thirdy Ravena, nakababatang kapatid ni Kiefer. Ito ang unang pagkakataon na may magkapatid na miyembro ng National Team na sabay na lalaro sa isang torneo.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Inilagay naman bilang reserve at kasama ng team sa pagtungo nila sa Indonesia sina Javee Mocon, Rey Suerte at Jaydee Tungcab.

“A mixture of youth and experience,” paglalarawan ni coach Mark Dickel sa komposisyon ng kanyang team.

“Obviously, the veteran players, the ones who have played internationally before, we’re gonna lean on them. The younger players, have played in Batang Gilas or age group representative stuff.”

Nakatakdang umalis ang Gilas ngayong gabi.

-Marivic Awitan