Parang brothers na sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino ngayon. Noon pa man ay friends na sila dahil pareho silang Kapuso stars, pero mas naging close sila simula nang mag-training sila para sa Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, na first project nila together, at ngayon na halos everyday sila nagti-taping.

Dingdong & Rocco DOTS PH

Pareho pa namang reservists ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Dingdong at Rocco kaya lalo silang magka-vibes. Sa DOTS PH, si Dingdong ay si Captain Lucas Manalo o Big Boss at si Rocco ay si TSgt. Diego Ramos.

“Bukod sa pagti-taping namin ng DOTSPH, may mga courtesy calls kami sa AFP events,” kuwento ni Rocco. “At kapag ganoong magkasama kami, madalas ang kuwentuhan namin tungkol sa family, at nagtatapos iyon sa pag-iimbita niya sa akin sa bahay nila, madalas ipinaghahanda kami ni Marian (Rivera) ng lunch, na ang sarap lagi ng mga luto niya. Then nakikipaglaro ako sa mga anak nila, sina Zia at Ziggy, na ang ku-cute.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kaya iyong mga ganoong pagkakataon, nagiging bonding moments din namin ni Dong, na kailangan namin dahil kami ang madalas magkaeksena sa serye namin. Sa story, kung napapansin ninyo, kami ang nagsi-share ng problema namin, hindi lamang sa Alpha Team namin, kasama na ang personal love life namin sa story. Siya kay Dr. Maxine (Jennylyn Mercado) at ako kay Captain Moira (Jasmine Curtis Smith).

“Yung kung libre kami after ng taping, ayaan kami ni Dong, at kung libre ang ibang members ng Alpha Team, bonding kami, mas nai-establish namin ang relationships namin sa isa’t isa sa ikagaganda ng mga eksena namin sa serye.”

Kita naman talaga sa DOTS PH ang ganda ng mga samahan nila at ng medical team naman na pinangungunahan ni Jennylyn. Kaya don’t miss ang mga eksena, especially iyong mga iconic scenes sa original version at ginagawa naman sa local adaptation. Gabi-gabi ay napapanood ang DOTS PH, after ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sa GMA Primetime Telebabad.

-NORA V. CALDERON