Nag-storycon na ang bagong primetime series ng GMA-7 na Legal Wives na pangungunahan ni Dennis Trillo at gaganap na kanyang mga asawa ay sina Megan Young, Bianca Umali at Alice Dixson. Kasama rin sa cast sina Al Tantay, Shayne Sava, Female winner ng Starstruck 7, Abdul Raman na galing din sa SS 7, Bernard Palanca, Kevin Santos, at Cherie Gil.

Si Zig Dulay ang director ng Legal Wives at siya rin ang director ng Sahaya na pinagbidahan ni Bianca. Tiyak, may mga papasok pa na karakter hanggang magsimula ang taping at kahit airing na ang teleserye.
Sa Kapuso fans na nag-suggest na sana palitan ang title ng teleserye para hindi ma-confuse ang viewers sa The Legal Wife ng ABS-CBN, working title pa lang daw ang Legal Wives at posibleng mapalitan.
Parang sisimulan na ang taping ng Legal Wives at ibang mga bagong teleserye ng Kapuso Network para may pondo ng episodes at hindi nagka-cramming. Maganda ang resulta kapag ganu’n ang systema ang sundin ng GMA-7 para mas maganda ang kalabasan.
Tingnan na lang ang Descendants of the Sun at Love of My Life na dahil matagal sinimulan ang taping, ang ganda ng resulta at naayos pa ang dapat ayusin bago ang airing.
-Nitz Miralles