NABIBIGO ang mundo na protektahan ang mga bata mula sa mga panganib sa kalusugan na dulot ng climate change at poor diet, sinabi sa isang ulat ng UN nitong Miyerkules, nagbabala na ang bawat bata ay nasa agarang banta.

Ayon sa mahigit 40 ng pinakaprominente sa mundo at dalubhasa sa kalusugan ng kabataan, walang isang bansa sa Mundo ang sapat na pinoprotektahan ang susunod na henerasyon mula sa mga epekto ng mga carbon emissions, pagkasira ng kalikasan at high-calorie at processed foods.

Sinabi nila na ang labis na carbon emissions, na labis na ginawa ng mayayamang bansa ay nagbabanta sa kinabukasan ng mga bata at papasanin nila ang karagdagang mga panganib sa kalusugan, mula sa nakamamatay na heatwaves hanggang sa pagtaas ng pagkalat ng mga tropikal na sakit.

Ang ulat, kinomisyon ng World Health Organization at UNICEF, ay nagtatampok din sa bantang kinakaharap ng mga bata mula sa mapanganib na pamilihan ng mga matataba at matatamis na pagkain, tabako at tabako.

“The big message is that no single country is protecting children’s health today and for their future,” sinabi ni Anthony Costello, professor ng International Child Health and Director of the Institute for Global Health sa University College London.

“When you look at the damage being done to children’s lungs by air pollution, we’ve got a very limited time to sort this out,” sinabi niya sa AFP.

“We have the solutions, what we don’t have is the political leadership and will to make it happen.”

Ang ulat, inilathala sa The Lancet medical journal, ay nagraranggo sa performance ng 180 mga bansa pagdating sa kaligtasan ng bata, edukasyon at mga antas ng nutrisyon.

Sa ilalim ng mga pamantayang ito, ang mga hindi gaanong mayamang bansa tulad ng Central Africa Republic at Chad ay hindi gaanong maganda ang pagganap kumpara sa mayayamang bansa tulad ng Norway at Netherlands.

Gayunpaman, ang mga ranggo ay higit na nababaligtad kapag nasuri ang mga epekto ng polusyon sa hangin mula sa per capita carbon emissions.

“The world’s decision makers are failing today’s children and youth: failing to protect their health, failing to protect their rights, and failing to protect their planet,” sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

AFP