PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing.

Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan.

Pag-aagawan nina Magra¬mo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei Tanaka na nagdesisyong umakyat sa super flyweight division laban sa kababayang si Kazuto Ioka.

Nakatakda ring labanan ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero si International Boxing Fe¬deration at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Una nang nagtuos sina Inoue at Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series na ginanap sa Saitama, Japan kung saan nanaig ang Japanese pug.

Kaya naman desidido ang mga Pinoy fighters na makabawi sa pagkakataong ito upang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas.

Hindi matatawaran ang katatagan ng Japanese fighters sa international arena at tula dng Mexico, tunay na kagigiliwan ang naturang duwelo.

Kasalukuyang may limang world titlist kumpara sa apat lamang ng Pilipinas.

Kasalukuyang kampeon ng Japan sina Kenshiro Teraji (WBC light flyweight), Hiroto Kyoguchi (WBA light flyweight), Kazuto Ioka (WBO super flyweight), Ryota Murata (WBA middleweight regular champion), at Inoue (WBA, IBF bantamweight).

Samantalang kasalukuyang world champions ng Pilipinas ay sina eight-division world titlist Manny Pacquiao (WBA welterweight super champion), Pedro Taduran (IBF minimumweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Casimero (WBO bantamweight).