MULING iluluklok ang mga bayaning atleta ng nakaraan sa gaganaping Philippine Sports Hall of Fame.

PINANONOOD nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (ikalawa mula sa kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) ang video clip ng mga pangalan at achievement ng mga piling atleta na posibleng mapabilang sa Hall-of-Fame.

PINANONOOD nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra (ikatlo mula sa kaliwa) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez (gitna) ang video clip ng mga pangalan at achievement ng mga piling atleta na posibleng mapabilang sa Hall of Fame.

Sa pangunguna nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, sinimulan kahapon ang unang yugto sa serye ng pagpupulong upang makabuo ng nominasyon para sa ika-apat na grupo ng PSHOF para sa taong 2020.

“This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” pahayag ni Ramirez.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Kasama rin sa komite sina Olympic Committee Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary-General Atty. Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr., at ang SEA Games gold medalist at Philippine Olympians Association President na si Akiko Thomson Guevara.

“Isang malaking karangalan ito para sa amin na mapagkalooban natin ng pagkilala ang mga atleta nating tunay namang tumatak sa puso ng sambayanan at nagsakripisyo para mabigyan ng dangal ang bayan,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman.

Ang HOF ay kilala din na Republic Act No. 8757, bilang pag-gunita sa mga Filipino athletes, gayundin sa mga coaches, at trainors na nagbigay ng karangalan sa bansa sa kasagsagan ng kanilang karera.

Pinag-aaralan ngayon na pag-igihin pa ang PSHOF kung saan plano nilang doblehin ang insentibo mula sa dating P100,000 bukod pa sa dalawang resolusyon na kanilang inihain upang awtomatikong maisama pa rin ang mga dating nominado.

“We will check if this is possible with the budget that we have,” ani Ramirez.

Bilang ahensiya ng gobyerno, ang PSC, ay ang direktang bubuo ng Screening Committee at ang pagpaparangal sa Philippine Sports Hall of Fame para sa mga napiling atleta.

Ang mga nominasyon kasama na ang mga guidlines nito ay ilalabas sa Marso 1, habang ang nasabing awards night ay nakatakda sa Nobyembre 5.

-Annie Abad