NAGBIGAY ng pahayag ang pamunuan ng ONE Championship sa pamamagitan ng Chairman at CEO nito na si Chatri Sityodtong na gawing isang “closed -door” event ang labanan na magaganap na ONE: KING OF THE JUNGLE, na nakatakda sa darating na Pebrero 28 na gaganapin sa Singapore Indoor Stadium.
Sa kanyang social media account, ipinahayg ni Sityodtong na tuloy ang laban ngunit isasara naman ang nasabing venue sa mga manonood at maging sa media sanhi na rin ng lumalaganap na sitwasyon sa Singapore sanhi ng kumakalat na virus na Novel Coronavirus o COVID-19.
Kamakailan nang itaas ng Ministry of Health ng Singapore sa Disease Outbreak Response System Condition o DORSCON ang antas ng nasabing virus buhat sa yellow alert patungo sa orange alert matapos na makumpirma ang kabuuang 75 kaso ng impeksyon.
“In light of the coronavirus situation in Singapore, I have made the decision to convert ONE: King of the Jungle on February 28 into a closed event for broadcast only. The Singapore Indoor Stadium will not be open to the general public, but the event will proceed behind closed doors as scheduled live on all TV and digital platforms across 150+ countries around the world,” ani Sityodtong sa kanyang Facebook page.
Ibabalik ng buo sa mga tagasubaybay na nakabili na ng tiket ang kanilang binayad sa pamamagitan ng Sportshub Tix, na siyang opisyal na kapartner ng ONE pagdating sa pagbebenta ng mga tiket nito sa Singapore.
Ang mga laro ay ay itutuloy at mapapanood pa rin naman ng live sa telebisyon at iba pang mga mga “digital platform” gayundin sa ONE Super App.
Ang event na ONE: KING OF THE JUNGLE ay magkakaroon ng dalawang bahagi kung saan ONE World Champion na si Stamp Fairtex ng Thailand ay dedepensahan ang kanyang titulo na ONE Atomweight Kickboxing World Title kontra kay Janet “J.T.” Todd ng Estados Unidos.
Sa isa pang main-event ang reigning ONE Strawweight Kickboxing World Champion na si Sam-A Gaiyanghadao ng Thailand ay sasabak naman kontra kay Lachlan “Rocky” Ogden ng Australia para sa ONE Strawweight Muay Thai World Title.
Ang pambato naman ng Singapore na dating ONE World Title challenger na si Amir Khan, ay sasamahan naman ng kanyang mga kakampi na sina Tiffany “No Chill” Teo at Radeem Rahman gayundin sina Troy Worthen at Ritu “The Indian Tigress” Phogat na pawang mga taga Singapore din ang asamang mapapanood sa labanan.
“We just felt that this was an incredible moment for us to ignite hope and strength across the continent of Asia and to our fans all over the world during this difficult time,” ayon pa kay Sityodtong.
“I also want to say that it is only by love, compassion, and resilience that Singapore as a country and Asia as a continent can overcome and conquer the Coronavirus,” dagdag pa niya.
-Annie Abad