NAGTI-TRENDING gabi-gabi at kaliwa’t kanan ang papuri sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama series ng Descendants of the Sun hindi lamang mula sa mga fans ng original serye kundi pati na rin ng mga new viewers na ngayon lamang nila napanood ito.

Cast ng 'DOTS PH'

Isang reason kung bakit nila nagugustuhan ang serye, dahil sa maganda at mala-international cinematography na gayang-gaya sa original version ng show, lalo na iyong slow motion na very Korean ang dating. Very popular ang mga Korean dramas sa mga ganoong eksena na kunwari ay hindi nakita ang kaeksena niya. Tulad daw iyong eksenang kunwari ay bale wala kay Dr. Maxine (Jennylyn Mercado) si Capt. Lucas (Dingdong Dantes) at hindi niya kakausapin ito dahil niloko siya, pero nang magkita sila kung saan sila na-deploy for their mission, parang ang sama ng loob ni Maxine na nilampasan lamang siya ni Lucas nang dumaan ito kung nasaan siya.

“Malakas din ang chemistry nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ni Ultimate Star Jennylyn Mercado,” say ng isang netizen. “Ang husay ng pag-arte nila sa kani-kanilang character, ganundin ng supporting cast.”

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

“Kudos to GMA! Everyone’s loving the remake,” sabi naman ni Kate. “I’ve never seen any bad reviews, ever since the first episode. Who would have thought that Jennylyn and Dingdong will have great chemisty? Ang galing din nina Jasmine Curtis Smith at Rocco Nacino, super in-character sila. Kaya I do not miss the episodes gabi-gabi.”

Ngayon nga ay muling magkasama sina Dr. Maxine at Capt. Lucas sa kanilang mission, kaya expect ng mas nakakakilig na eksena, sa kabila ng mga panganib na pwede nilang maranasan dahil nasa lugar sila ng mga rebelde na pinangungunahan ng kapatid ni Maxine na si Rodel, na akala niya ay patay na.

Napapanood ang Descendants of the Sun gabi-gabi pagkatapos ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

-Nora V. Calderon