NEW YORK (AP) — Tumaas ng 8% ang nakuhang TV Ratings ng NBA All-Star Game kumpara sa nakalipas na taon, tampok ang average 7.3 million viewers sa Sunday night’s broadcast sa TNT.

Halos 8 million viewers ang nakatutuk sa kanilang TV sa krusyal na sandali ng laro kung saan nagwagi ang LeBron James’ team kontra sa Giannis Antetokounmpo’s team, 157-155, sa binagong format sa kasaysayan ng All-Star.Ang fourth quarter ay ipinalabas na commercial-free.

Bahagi ng TNT’s pregame coverage ang pagbibigay ng tribute kay Kobe Bryant, na may averaged 6.3 million viewers. Ang naturang numero au kumakatawan sa 19% pagtaas sa viewership kumpara sa nakalipas na season.

Para sa Rising Stars game at Skills Competition na pinagwagihan ni Miami’s Bam Adebayo, ang 3-point contest na pinagbidahan ni Sacramento’s Buddy Hield at dunk contest na pinagwagihan ni Miami’s Derrick Jones Jr. at tumaas ng 15% viewers.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb