SUMISINGASING ang opensa ni Carlo Lastimosa para sandigan ang Manila-Frontrow sa impresibong 91-88 panalo kontra Pasig-Sta. Lucia sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinal series sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season nitong Martes sa San Andres Sports Complex.

KAHANGA-HANGA si Lastimosa sa koponan ng Manila sa MPBL quarterfinals

KAHANGA-HANGA si Lastimosa sa koponan ng Manila sa MPBL quarterfinals

Kumubra si Lastimosa ng 23 puntos, kabilang ang krusyal basket para mapalobo ang bentahe ng Manila sa double digits sa second half.

Nagawang makadikit ng Pasig sa 83-87 mula sa 8-0 run na kinamada nina Marc Tamayo at Jeric Teng may 35 segundo ang nalalabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagpalitan ng puntos ang magkabilang panig bago naisalpak ni Gian Abrigo ang dalawang free throw na nagselyo sa panalo ng Manila, sa kabila nang three-pointer ni Teng sa buzzer.

“Yung mental toughness talaga ng mga players, pinakita nila na kahit push comes to shove, nandoon sila,” pahayag ni Manila head coach Tino Pinat.

Kumana si Espinas ng 11 puntos, apat na rebounds, at dalawang assists, habang tumipa sina Abrigo at Jollo Go ng tig-siyam na puntos.

Nanguna si Teng sa Pasig sa naiskor na 30 puntos, pitong rebounds, at limang assists.

Nakaungos din ang No.3 seed Makati-Super Crunch, sa pangunguna ni Jong Baloria, sa come-from behind 94-88 panalo kontra No.6 Bulacan, sa kanilang hiwalay na quarterfinal match.

“Naging patient lang kami sa depensa. Tumaas yung energy, saka gumanda yung shooting percentage namin. Naging consistent lang din kami sa depensa,” sambit ni Makati head coach Beaujing Acot.

Iskor:

(Unang Laro)

Manila-Frontrow (91) -- Lastimosa 23, Espinas 11, Abrigo 9, Go 9, Hayes 8, Dyke 7, Matias 6, Gabriel 5, Dionisio 4, Montilla 3, Bitoon 2.

Pasig-Sta. Lucia (88) -- Teng 30, Nimes 19, Najorda 18, Manalang 11, Gotladera 6, Tamayo 4, Grealy 0, Chavenia 0, Velchez 0, Mendoza 0, Canon 0.

Quarterscores: 19-26, 54-50, 72-68, 91-88

(Ikalawang Laro)

Makati-Super Crunch (94) -- Baloria 20, Sedurifa 17, Ablaza 17, Torralba 15, Apinan 9, Atkins 6, Importante 3, Cruz 3, Lingganay 2, Villanueva 2.

Bulacan (88) -- Diputado 17, Dela Cruz 17, Alabanza 13, Siruma 10, Escosio 7, Nermal 6, Capacio 6, Santos 6, Taganas 4, Arim 2, Alvarez 0, De Mesa 0.

Quarterscores: 15-24, 37-44, 62-66, 88-94.