NAPAKIKINABANGAN na ngayon ng mga militar ang benepisyo ng pagtatanim ng mga organikong gulay at prutas sa malawak na military reservation ng Fort Magsaysay, sa Nueva Ecija .

Mula nang ilunsad sa kampo noong Abril 3, 2019 ang “Hardin ng Lunas,” natuto ang mga miyembro ng Philippine Army at ang kanilang mga pamilya na mapaunlad ang mga pamamaraan sa pagpapalaki ng mga organikong gulay at mga prutas, na magbibigay sa kanila ng pagkukunan ng nutrisyon at alternatibong kabuhayan.

Ang Hardin ng Lunas, ay isang magkatuwang na programa ng Philippine Army at Tarlac Heritage Foundation sa ilalim ng Dr. Isabel Cojuangco-Suntay, na layong paunlarin ang mga nakatiwangwang na mga lupa sa kampo upang mapakinabangan para sa benepisyo ng mga militar at ng kanilang pamilya.

“The Army’s 7th Infantry Division is now harvesting the fruits of their hard work. The garden yielded a bountiful harvest of vegetables and fruits,” pahayag ni Brig. Gen. Henry A. Robinson Jr., assistant division commander ng 7th Infantry Division (7ID).

Sa isang 7,500-square-meter na lote, nakapagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman ang mga sundalo ng 7ID sa Hardin ng Lunas team tulad ng mga okra, eggplants, string beans, red and green bell pepper, tomatoes, pechay, calamansi, squash, as well as red lady papaya at calamansi trees.

“Alam po naman ninyo napakahirap magtanim ng ganyan dito sa Fort Magsaysay, subalit dahil sa patuloy na pagtutulungan at ugnayan, nakita natin ang mga tanim na maayos at talagang magagamit sa ating mga hapag kainan,” pahayag ni Lt. Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army.

Nitong Lunes pinangunahan ni Gapay, kasama sina Suntay at Maj. Gen. Lenard Agustin, division commander ng 7ID, ang inagurasyon at blessing ng panibagong lugar ng Hardin ng Lunas.

Bahagi naman ng seremonya ang pagtatanim na puno sa site ng proyekto.

“Through the project, our soldiers will be given another livelihood for them to become more sufficient and not being dependent (on) outside sources, aside from food security,” ani Gapay.

PNA