MULING naihalal bilang presidente ng World Archery Philippines (WAP) ang dati nitong chief na si Atty Clint Aranas sa ginanap na eleksyon noong Sabado sa Makati Sports Club.

Kabilang sa mga nahalal kasama ni Aranas ay ang mga dati rin nitong opisyales na sina Engineer Jun Sevilla bilang Chairman, si Koronadal Mayor Peter Miguel bilang Vice President, gayundin si John Peter Orbeta bilang treasures habang sina Sheree Gotuaco at Daniel Ongchoco ang mga Executive Board Members at ang Secretary general na si Rosendo “Dondon” Sombrio.

Dinaluhan ng 18 regular na miyembro ang nasabing eleksyon ng WAP sa ilalim ng pangmamasid ng kinatawan ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Boones Floro.

Ipapatupad ni Aranas kasama ng kanyang buong board ang plano para sa ikakagaganda pa ng performance ng mga atleta nito at dumikubra pa ng mga bata at dekalibreng atleta sa mga susunod na araw.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Si Aranas ay dati ring naninilbihan bilang General Manager at presidente ng Government Service Insurance System (GSIS).

Samantala, nagkaroon din ng panibagong Board of Directors ang Skateboarding and Rollerskate Sports Association of the Philippines (SRSAP).

Naihalal bilang presidente si Carl Sembrano, Aniceto Facundo bilang VP Internal Affairs, Anthony Claravall bilang VP External Affairs, Rochell Ann Boleche bilang Secretary General, si Abigail Villoria bilang treasurer.

Ang dating presidente na si Monty Mendigoria ang siya naman ngayong Board of Trustees kasama si Jeffrey Gonzales.

-Annie Abad