ANO ang mga kaganapan sa Philippine volleyball? Anong grupo nga ba ang lehitimong national sports association sa bansa para sa volleyball?

May pagkilos bang ginagawa ang FIVB upang matuldukan ang isyu na naging usapin sa 35th FIVB World Congress sa Buenos Aires noong 2016?

Ang mga mahalagang katanungan ay mabibigyan ng kasagutan sa pagbisita ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo “Tito Boy” Cantada sa 56th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inaasahang, tatalakayin din ni Cantada sa public forum gana na 10:00 ng umaga ang isinasagawang program ng PVF grassroots development level, gayundin ang patuloy na coaching/officiating seminars upang mapataas ang level sa naturng aspeto.

Manny Pacquiao, inintriga kung saan pupunta sa sabay na laban nina Jimuel, Eman sa Feb

Dadalo rin sa programa na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks si Philippine Boxing Federation (PBF) bantamweight champion Carl Jammes “ Wonder Boy” Martin ng Lagawe, Ifugao.

Ipinapalagay na ‘rising star’ sa boxing ang 20-anyos na tangan ang matikas na 19-0 karta, kabilang ang third-round knockout win kontra Philip Luis Cuerdo nitong Dec. 21.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na dumalo at makiisa sa programa na mapapanood din sa Facebook live via Glitter Livestream.