MALAKI ang tsansa ng Pinoy sa international scene ng Obstacle Course Racing. Patunay dito ang tagumpay ng atletang Pinoy sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games.

KAPANA-PANABIK at punong-puno ng aksiyon ang Obstacle course sa ‘amino VITAL Sports Series sa Taguig City.

KAPANA-PANABIK at punong-puno ng aksiyon ang Obstacle course sa ‘amino VITAL Sports Series sa Taguig City.

Sa pagtataguyod ng Ajinomoto Philippines Corporation (APC), isinagawa kamakailan ang “aminoVITAL® Sports Series” sa Pretty Huge Obstacles sa Bonifacio Global City, Taguig.

Layunin ng  Ajinomoto na tulungan ang Pinoy at ang sports sa kabuuan na mapaangat ang kalidad ng talento at maisulong ang programa para sa kalusugan.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Ibinida ng mga miyembro ng National Team, nagwagi ng 10 medalya (6 na ginto, 3 silver at 1 broinze) sa SEA Games, ang kahusayan at katatagan sa Obstacle Course Racing (OCR).

“OCR is a unique sports because you need to be good at everything. It requires you not to only hone your running skills, but to also test your endurance and discipline as you undergo high intensity training,” pahayag ni Glorien Merisco.

Iginiit ni Merisco na sa kabila ng pangangailan sa katatagan ng kaisipan, emosyunal at physical, maaaring makiisa sa sports ang mga enthusiast na walang karanasan sa anumang sports.

Aniya, matapos ang kampanya sa  SEAG, nagpatuloy ang kanyang pagsasanay at paghahanda.

“I personally like challenging myself to be better every day…I may not be the strongest athlete, but I am one of the those who works the hardest.” aminoVITAL® is one with the OCR community in inspiring and encouraging people to get out of their comfort zones and give them the push needed to really make it too the next level,” sambit ni Merisco.

Pinangunahan ni APC president Tsutomu Nara ang pagbibigay ng kalinawan sa mga katanungan hingil sa sports sa isinagawang media briefing kamakailan.

Naging panauhin din sa programa bilang aminoVITAL ambassadors sina 30th SEA Games karate gold medalist Junna Tsukii, Will Devaughn at Christiana Dimaunahan.