MGA kinikilalang gamefowl breeders ng Ilolilo, Guimaras, Capiz, Antique at Aklan ang inaasahang maglalaban gamit ang kanilang mga pambatong manok-panabong sa ilalargang Panay Island Thunderbird Challenge 5-Cock Derby mula Marso 21 hanggang Mayo 10.
Ang magkakahiwalay na 2-cock eliminations ay nakatakda sa Marso 21 - Iloilo Coliseum; Marso 28 - Gallera De Oton; Marso 29 Camp Cavaliers Cockpit); Abril 19 - Gallera De Miag-Ao; Abril 25 - Jmma ( Anini Y) at Mayo 2 - Sibalom Coliseum.
Ang 3-cock finals ay magaganap sa ika-10 ng Mayo sa Iloilo Coliseum.
Ang registration fee ay P3,500 kasama ang sampung (10) empty packs ng 1kg. Thunderbird Enertone. Ang mga lalahok ay puwede rin maglaban ng limang manok sa finals sa entry fee na P7,700 plus empty packs ng Thunderbird Enertone. Minimum bet ay P2,200.
Ang weight limits ay mula 1.900 kgs. hanggang 2.400 Kgs.
Ang kampiyon o isa sa mga kampiyon na mananalo sa toss coin o raffle ay lalaban sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 sa Mayo 20 sa Porac Cockpit Arena, Porac, Pampanga.
Sa mga intersadong lumahok, maaring makipag-ugnayan kina Edna Uy (Iloilo Coliseum) 0333207249; Wewin Sejas- (Miag Ao) 09076066990; Enzo(Camp Cavalier) 09219396792; Ronel- (Sibalom) 09369483902; Jo (Aniniy) 09358296960 o Doc Merlita Justalero (Thunderbird) 09178087342